Presidente ng Brazil, inalis na sa pwesto

By Rod Lagusad September 01, 2016 - 07:50 AM

Brazil's President Dilma Rousseff speaks during a Women in Defense of Democracy Meeting, at the Planalto Presidential Palace, in Brasilia, Brazil, Thursday, April 7, 2016. The women representing social movements and trade unions, and are against Rousseff's removal from office, gathered to show her their support. The special investigator for a congressional commission recommended Wednesday that the impeachment process against Rousseff move forward, saying there is evidence she violated fiscal laws. (AP Photo/Eraldo Peres)
Inquirer File Photo

Tuluyan ng inalis sa pwesto si Dilma Rouseff bilang pangulo ng Brazil matapos ang isinagawang impeachment trial.

Sa botong 61-20 ng Senado ng kanilang bansa, pormal ng naalis sa si Rouseff na inaakusahan ng paglabag sa fiscal laws kaugnay ng paggamit niya ng kanilang federal budget.

Inaasahan na ang pagkakaalis ni Rouseff bilang pangulo, na siyang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil.

Ayon kay tweet ni Rouseff, ilang minuto pagkatapos ang naging desisyon na binalewala ang naging boto ng nasa 54 milyong Brazilians.

Nanalo si Rouseff ng re-election noong taong 2014.

Naging Marxist guerrilla si Rouseff na nakulong at dumanas ng torture noong 1970s panahon kung saan ng diktaturya sa Brazil.

Paulit-ulit na itinanggi ni Rouseff ang mga alegasyon sa kanya dahil kanyang iginigiit na ginamit din ng mga nakaraang mga president ang kaparehong accounting techniques.

Binigyang diin niya ang kanyang pagiging inosente at ang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ay kagagawan ng mga elitistang galit sa kanyang mga populist polices ng kanyang Workers’ Party sa nakaraang 13 taon.

TAGS: Brazil, Dilma Rouseff, Impeachment trial, Brazil, Dilma Rouseff, Impeachment trial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.