LPA, patuloy na nanatili sa PAR

PAGASA File Photo

Kasalukuyang namataan ang Low Pressure Area (LPA) as of 5:00 AM sa layong 605 km Hilagang Silangan ng Itbayat, Batanes at kung mabubuo ang nasabing sama ng panahon ay papangalan itong Enteng.

Naaapektuhan namang ng Hanging Habagat ang kanlarang bahagi ng Northen Luzon.

Maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Ilocos Region, Apayao, Cagayan, Batanes at Babuyan.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Luzon habang magiging katamtaman hanggang sa maalon ang mga baybaying dagat nito.

Sa ibang banda, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa timog hanggang sa timog-kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

 

Read more...