1 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Maynila

By Christopher Diocado September 01, 2016 - 07:39 AM
vehicular accidentDead on the spot ang isang motorcycle rider matapos masagasaan ng isang truck sa Tondo, Maynila. Pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad ang drayber ng trak na nakasagasa sa motoristang kinilalang si Paulo Villotes, sa may bahagi ng Capulong street, Brgy. 93, Zone 8, Tondo, Maynila pasado alas-2:00 ng madaling araw kanina. Ayon sa rumespondeng rescuer mula sa Philippines Red Cross, wala nang buhay si Villotes nang madatnan nila ito sa pinangyarihan ng aksidente. Pahayag naman ni Matthew Cordero, isang pedicab driver na nakasaksi sa pangyayari, natutulog sya sa loob ng kanyang pedicab nang bigla na lamang siyang nakarinig ng malakas na kalabog. Paglabas umano niya ng tricycle, nakita na lamang nyang nakahandusay na ang bktima sa ilalim ng trak na may plakang RHS-708, na pag-aari ng Sandegal Custom Brokerage. Sinabi naman ng mga otoridad, na posibleng unang sumalpok at nasagasaan ng naturng trak si Villotes bago bumangga at pumailalim sa jeep ang minamaneho nitong motorsiklo. Samantala, malubha naman ang kalagayan ng isa pang motorcycle rider matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng R. Magsaysay Boulevard cor. Dela Fuente Street, bago umakyat sa Magsaysay Bridge sa Sampaloc, Maynila. Ayon sa nakasaksi sa aksidente, mabilis ang takbo ng biktimang nakilalang si Alexander Luya, 22-anyos, kaya bigla itong sumalpok sa center island. Nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang biktima matapos siyang tumilapon mula sa kaniyang motorsiklo. Ayon sa mga otoridad na rumesponde, amoy alak si Luya at posibleng kalasingan ang dahilan kung bakit ito naaksidente.

TAGS: Philippines Red Cross, Tondo Manila, Vehicular accident, Philippines Red Cross, Tondo Manila, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.