Pilipinas nakagastos na ng P328-B dahil sa child malnutrition

September 01, 2016 - 04:00 AM

 

Mula sa inquirer.net

Umabot sa P328 billion ang nagastos ng Pilipinas dahil sa child malnutrition, na katumbas ng 3 percent ng kabuuang gross domestic product ng bansa sa loob ng isang taon ng education spending.

Ayon sa report ng ahensyang Save the Children Philippines na “Cost of Hunger: Philippines,” nabawasan rin ang productivity ng bansa sa harap ng “stunting” o ang pagiging maliit ng bata para sa kaniyang edad, at bunsod ito ng pagkagutom.

Nananatiling pinaka-apektado ng problemang ito ang Mindanao, kung saan 40 percent ng mga bata ay nakararanas ng stunting.

Ayon sa country director ng nasabing ahensya na si Ned Olney, ito rin ang average na nakikita sa sub-Saharan Africa.

Paliwanag niya, kinakaladkad ng halaga ng stunting ang ekonomiya ng bansa kaya ramdam ng lahat ang impact nito hindi lang ng bata o ng kaniyang pamilya.

Dahil dito, mas naghihirap ng 3 percent ang ekonomiya ng mga Pilipino, at kung susumahin ang halaga nito sa mga nagdaang ito, malamang ay ikauunlad ng bansa ang mga nawalang halaga.

Napag-alaman rin ng Save the Children na ang pinagsama-samang pagkalugi ng bansa base sa datos mula 2013, ang halaga nito ay triple pa sa halaga ng pinsalang idinulot ng 15 bagyong naranasan ng bansa noong nagdaang taon.

Natutukoy ang stunting sa pamamagitan ng pagkukumpara ng taas ng isang bata sa international benchmark na taas ng bata na may parehong edad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.