Hidilyn Diaz, target na sumabak sa Tokyo 2020

 

Inihayag ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz na muli siyang sasabak sa 2020 Tokyo Olympics para muling bigyan ng karangalan ang bansa.

Ayon kay Diaz, wala namang nakakaalam sa mga susunod na pangyayari pero gusto niya talagang makasabak muli sa 2020.

Samantala, sa ngayon sinabi ni Diaz na wala siyang balak pumasok sa showbiz tulad ng inaalala ng mga sports officials dahil sa biglaan niyang pag-sikat.

Prayoridad niya aniya na ang puspusang pagsasanay at panatilihin ang kaniyang lakas para sa susunod niyang laban.

Read more...