Kaso ng Zika sa Singapore, umabot na sa 115

By Kabie Aenlle September 01, 2016 - 04:16 AM

 

Zika Virus1Pumalo na sa 115 ang bilang ng mga naitalang kaso ng Zika virus sa Singapore, kabilang na ang isang buntis.

Ito ay base sa talaan ng Ministry of Health (MOH) at National Environment Agency (NEA), Miyerkules ng gabi August 31.

Ayon sa mga otoridad, natukoy nila ang bagong potential cluster sa Bedok North Avenue 3, at nakapagtala pa sila ng bagong 24 na kaso mula sa mga dati pang cluster.

Sa 24 na bagong kaso, 22 dito ay mula sa Sims Drive/Aljunied Crescent cluster na umaabot na ngayon sa Kallang Way at Paya Lebar Way, habang ang dalawang iba pa ay wala namang nakikitaang koneksyon sa mga lugar na ito.

Dahil dito, sinabi ng NEA na sisimulan na nila ang kanilang mosquito control operations sa Bedok North Avenue 3, at mas paiigtingin pa nila ang vector control sa iba pang bahagi ng Singapore.

Ang mabilis na pagkalat rin ng sakit ang dahilan kung bakit umiiwas na ang mga tao na pumunta sa mga lugar na maraming kaso ng Zika virus ang naitala, pati na sa mga open-air food options.

Bilang proteksyon ay nagkukusa na rin ang mga residente na gumawa ng paraan para makaiwas sa lamok tulad na lang ng paggamit ng mga insect repellent.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.