Clinic para sa mga transgender itatayo sa QC

By Alvin Barcelona September 01, 2016 - 04:19 AM

 

Mula sa Google

Magpapagawa ang pamahalaang lungsod ng Quezon City ng clinic para sa mga transgender.

Sa katunayan, naghahanap na ang Quezon City Health Department ng mga lugar kung saan itatayo ang Transgender Health Support Center.

Ayon kay City Health Officer Dr. Verdades Linga, ang planong clinic ay magbibigay ng basic screening at testing para sa sexually-transmitted infections, regular health appraisal services.

Isasama na rin sa mga iaalok nilang serbisyo ay psychological and social services, tulad ng life-coaching, case management at counseling.

Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, HIV/AIDS program coordinator ng City Health Department, ang mga transgenders ang nananatiling pangalawang pinakamarami na sumailalim sa HIV testing.

Base sa AIDS/HIV registry ng City Health Department, mayroon nang 427 na kaso ng HIV sa QC ang naitatala na sa unang  anim na buwan ng 2016 at mayorya sa mga nasabing kaso ay mga lalake na nakikipagtalik sa kapwa lalake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.