DOE, ikinukunsiderang buksan ang Bataan Nuclear Power Plant

 

Inquirer file photo

Ikinukunsidera ng Department of Energy na i-operate ang kontrobersyal na Bataan Nuvclear Power Plant.

Sinabi ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa harap ng patuloy na paglaki ng demand sa kuryente sa bansa at bilang paghahanda sa posibilidad nang pagka-ubos ng natural gas sa Malampaya.

Bukod aniya dito, limitado din aniya ang suplay ng mga karaniwang panggatong tulad ng langis, diesel, , natural gas at coal.

Ayon kay Cusi, napapanahon na para maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng elektrisidad ang Pilipinas.

Kamakailan, makailang ulit na sumadsad ang suplay ng kuryente sa Luzon grid dahil sa mga scheduled at unscheduled na maintenance works sa mga power plant.

Read more...