LAFAYETTE (Louisiana): Dalawa ang patay sa insidente ng pamamaril ng isang lalaki sa loob ng sinehan sa Louisiana, Huwebes ng gabi doon.
Naganap ang pamamaril sa Grand Theatre sa Lafayette City, kung saan ang gunman ang isa sa dalawang nasawi matapos barilin din ang kaniyang sarili. Anim naman ang nasugatan at isinugod sa ospital.
Naganap ang pamamaril 20 minuto na ang nakalilipas sa pagsisimula ng pelikulang Trainwreck.
Ayon sa isa sa mga nanonood ng sine, bigla na lamang silang nakarinig ng malakas na putok na sa una ay inakala pa nilang firecracker lamang. Pero nakita umano niya ang isang lalaki na nakatayo at binabaril ang mga nasa ibabang bahagi ng sinehan.
Nagsisigaw umano ang mga tao at nag-uunahang lumabas ng sinehan.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek. / Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.