2 hanggang 4 na bagyo, papasok sa buwan ng Setyembre ayon sa PAGASA

students rainAsahan na patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang Pilipinas sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.

Ayon sa PAGASA, dalawa hanggang sa apat na bagyo ang inaasahang mabubuo at papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa susunod na buwan.

Batay sa rainfall outlook map ng PAGASA para sa buwan ng Setyembre, ilang lugar pa sa bansa ang makararanas ng above normal rainfall habang ang ilang bahagi sa Davao region ay makararanas naman ng below normal rainfall.

Tinatayang nasa 55 hanggang 60 percent aniya ang tsansa ng pagtama ng La Niña phenomenon sa bansa.

Samantala, isang low pressure area na namataan sa 120 kilometers northeat ng Basco, Batanes ang direktang nakakaapekto ngayon sa Ilocos Region, Cordillera at ilang bahagi ng Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas ng PAR ang naturang LPA bukas, araw ng Huwebes.

Maliit din aniya ang tsansa na magiging bagyo ang naturang LPA.

Read more...