Walang rice shortage ayon sa NFA

By Alvin Barcelona August 31, 2016 - 07:17 PM

bigasTiniyak ng National Food Authority o NFA na walang basehan ang pangamba ng publiko tungkol sa posibilidad ng rice shortage sa bansa.

Sa harap ito ng balitang aangkat ang gobyerno ng 250,000 metriko toneladang bigas sa ibang bansa.

Nilinaw ni NFA Spokesman Angel Imperial na sapat ang bigas ng Pilipinas at walang dapat ipangamba ang publiko.

Paliwanag ni Imperial, sa kasalukuyan, mayroong 13.5 milyong bags ng bigas ang NFA na nasa iba’t ibang warehouse sa bansa kung saan kaya pa nitong suplayan ang publiko sa loob ng 21 araw.

Samantala, kung maaaprubahan ng NFA council ang mananalong bidder, aangkat ang Pilipinas ng 250,000 metric tons sa bansang Vietnam at Thailand para magkakaroon ng buffer stock ng hanggang tatlong buwan na inaasahang sasapat na bago sumapit ang anihan na magsisimula sa darating na Nobyembre.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.