Chris Brown, nakalaya na matapos magpiyansa ng $250,000
Pinalaya na ng Los Angeles Police District (LAPD) ang Hollywood singer-rapper na si Chris Brown makaraang arestuhin dahil sa umano’y panunutok ng baril sa isang babae.
Ayon sa Los Angeles County jail, pinalaya na si Brown matapos magpiyansa ng aabot sa $250,000.
Inaresto si Brown kahapon, araw ng Martes matapos ireklamo ng isang babae dahil tinutukan siya umano ng baril ng hollywood rapper.
Ngunit sa kabila ng reklamo, hindi na pormal na kinasuhan si Brown ng pulisya.
Ayon sa abogado ng singer na si Atty. Mark Geragos, walang katotohanan ang naturang alegasyon laban sa kanyang kliyente.
Sinabi naman ng Los Angeles Police Department na agad silang nagtungo sa bahay ni Brown matapos makatanggap ng tawag mula sa isang babae na humihingi ng tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.