Walang tuition fee increase sa 2017 ayon sa CHED
Mismong si Commission on Higher Education o CHED Chairperson Patricia Licuanan ang tumiyak sa mga Kongresista na walang dagdag-matrikula sa susunod na pasukan sa mga paaralan.
Ito’y kahit pa mababa ang bilang ng mga nag-enroll ngayong taon dahil sa implementasyon ng K-12 program ng pamahalaan.
Sa budget briefing ng House Appropriations Committee para sa panukalang pondo ng CHED sa 2017, siniguro ni Licuanan na walang tuition fee hike kahit pa may target na makalikom ng P43.3 Billion na income mula sa 144 State Universities and Colleges o SUCs dahil na rin sa inaasahang mga mag-e-enroll sa senior high school.
Hindi naman kumbinsido si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago sa pahayag ni Licuanan na walang pagtaas sa matrikula sa 2017.
Inungkat din nito ang nakaambang pagtapyas ng pondo sa 57 SUCs.
Ayon pa kay Elago, kakaltasan ang budget sa MOOE at capital outlay sa mga State Colleges and Universities.
Ilan sa SUCs na may pagtapyas sa net budget ay ang Philippine Normal University, Central Philippines State University, Cotabato State University, Nueva Vizcaya State University, Southern Luzon State University, Camarines Norte State College, Bohol Island State University, Cebu Normal University, Eastern Visayas State University, at Jose Rizal Memorial State College.
Sa ilalim ng 2017, tumaas ng 18% o P56 Billion ang pondo sa SUCs mula sa kasalukuyang pondo na P47.4 Billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.