Napanatili ng bagyong Goring ang lakas nito habang kumikilos papalabas ng bansa.
Batay weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Goring sa 1,160 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 180 kilometers kada oras.
Patuloy nitong tinatahak ang kanlurang direksyon sa bilis na 15 kilometers kada oras.
Inaasahang sa Sabado ng umaga ay lalabas na ng bansa ang bagyo.
Samantala, ang binabantayan namang Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan sa 110 kilometers Northeast ng Tuguegarao City.
Ang nasabing sama ng panahon ang makapaghahatid ng ulan sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte at sa mga isla ng Batanes, Babuyan at Calayan./ Len Montaño
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.