Hero’s burial kay Marcos di pwede ayon kay SC Justice Carpio

By Erwin Aguilon August 31, 2016 - 04:19 PM

SC ORAL ARGUMENTS / MAY 8, 2012 Supreme Court Chief Justice Renato Corona (empty seat) is a no show during the oral arguments on PCOS machines at the Supreme Court in Manila on Tuesday. At left, Associate Justice Antonio Carpio. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Iginiit ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na dahil napatalsik sa pwesto matapos ang People Power Revolution kaya hindi na kwalipikado si Dating Pangulong Ferdinand Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Carpio sa pagpapatuloy ng oral arguments kaugnay sa Marcos hero’s burial na kahit pa pasok si Marcos sa ilang qualifications na itinakda ng AFP Regulation dahil siya ay nagsilbing pangulo at siya kabilang sa mga ginawaran ng Medal of Valor, hindi pa rin siya maaring maihimlay sa Libingan ng mga Bayani dahil siya ay “dishonorably separated” sa pwesto.

Sa tanong naman ni Carpio kung maari amyendahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AFP Regulations na nagtatakda ng panuntunan sa mga maaring mahimlay sa Libingan ng mga Bayani, ayon kay Colmenares maari ito pero dapat ikunsidera sa pagtatakda ng panuntunan ang isinasaad ng RA 289.

Sinabi ni Colmenares na bagamat may kapangyarihan ang pangulo na amyendahan ang AFP regulation ay hindi nito sakop ang pag-amyenda sa RA 289.

Idinagdag pa ni Carpio na paglabag sa batas ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani dadil magagamit ang pondo ng gobyerno sa pribadong interes.

TAGS: Carpio, duterte, Marcos, SC, Carpio, duterte, Marcos, SC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.