Duterte excited na maka-usap sina Obama at Putin

Obama Putin
Inquirer file photo

Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na makigpag-usap kay U.S President Barrack Obama sa sideline ng Association of Southeast Asian Summit sa Laos na gaganapin sa September 6 hanggang 8.

Ayon sa pangulo, bukas siya sa anumang topic na maari nilang pag usapan ni Obama.

Pero ayon sa pangulo, ayaw niya munang talakayin ang usapin sa human rights sa pilipinas hangga’t hindi niya muna naipapabatid kay Obama ang tunay na kalagayan ng bansa partikular na ang problema sa ilegal na droga.

Kasabay nito, excited na rin ang pangulo na makapulong si Russian President Vladimir Putin sa nasabing summit.

Pabirong sinabi ng pangulo pareho kasi sila ni Putin na matapang sa pagsasalita pati na sa mga babae.

Nauna na ring sinabi ni Duterte na mananahimik siya sa isyu ng iringan sa West Philippine Sea habang dumadalo sa summit pero kung magiging sentro ito ng pag-uusap ay nakahanda siyang tumugon at ipaliwanag ang posisyon ng Pilipinas sa isyu.

Read more...