Aklan PNP dumipensa sa pagkamatay ng mag-asawang Odicta

By Ruel Perez August 31, 2016 - 03:23 PM

Odicta 2Itinanggi ng Aklan Provincial Police Office ang alegasyon ng kampo ng mga Odicta na pinosasan umano ng mga pulis ang napatay na si Melvin Odicta nang respondehan nila ang mag-asawa matapos pagbabarilin sa Caticlan Port sa Aklan noong Lunes.

Ayon kay Aklan PNP Director SSupt. John Jamili, hindi pinosasan ng mga pulis ang mag-asawang Odicta dahil hindi naman sila ang suspek sa barilan sa halip sila pa nga ang biktima.

Maliban dito hindi rin umano alam ng mga rumespondeng pulis na ang mag-asawang Odicta pala ang mga biktima noong mga oras na iyon .

Giit ni Jamili, unang hakbang ng mga pulis noon ay sagipin ang buhay ng mag-asawa sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa ospital

Nauna ng sinabi ni Atty Gualberto Cataluña, abugado ng mga Odicta na nakita niyang nakaposas si Melvin matapos ang krimen at nakapaglakad pa umano ito dahil sa paa lamang umano ito tinamaan ng bala.

Kahapon ay sinabi ng Malacañang na isang team na ang binuo ng PNP para imbestigahan ang nasabing pamamaslang.

TAGS: aklan, odicta, PNP, aklan, odicta, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.