Natagpuang wala nang buhay ang siyam na katao sa loob ng isang home for elderly people sa northern Japan.
Binaha ang nasabing home for the aged sa Iwaizumi sa Japan dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan doon bunsod ng Typhoon Lionrock.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng siyam na nasawi.
Maliban sa rumaragasang tubig, natabunan din ng makapal na putik ang home for the aged.
Ilang araw nang nakararanas ng malakas na pag-ulan sa northern Japan dahil sa nasabing bagyo.
Nagdulot din ng malawakang power outages ang bagyo na nauna nang dumaan sa Pilipinas na may local name na Dindo.
MOST READ
LATEST STORIES