Nakilala ang nasawi na si Alfred Arcilla na bumalik sa nasusunog nilang bahay upang hanapin ang kanyang kapatid.
Tinatayang namang aabot sa P300,000 halaga ng ari-arian ang napinsala ng nasabing sunog na nagsimula dakong 1:35 ng madaling araw at idineklarang fire out ganap na 2:47 ng madaling araw na umabot sa ikatlong alarma.
Nasa 60 bahay naman ang naapektuhan ng sunog kung saan 90 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Ayon sa mga residente, natabig ng isang suspek na hinuhuli ng pulisya dahil sa paglalaro ng kara y cruz ang isang kandila na pinagmulan ng apoy.
Kaagad kumalat ang apoy dahil sa dikit-dikit na bahay na gawa sa light materials.
Kahapon ng hapon, isang bata rin ang nasawi sa sunog na naganap na man sa isang dalawang palapag na bahay sa Barangay Bayanan, Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa Fire Station, isang taon at kalahati lamang ang edad ng nasawing bata nan a-trap sa nasunog nilang bahay.
Nagsimula ang sunog alas 3:50 ng hapon na agad ding naapula alas 4:04 ng hapon at umabot lang ng unang alarma.