Dahil sa maduming tubig mula Laguna Lake, Maynilad, may araw-araw na water interruption na tatagal ng 2 buwan

By Dona Dominguez-Cargullo August 31, 2016 - 06:41 AM

Las PinasDahil sa pagtaas ng antas ng total dissolved solids (TDS) sa tubig na nagmumula sa Laguna Lake, nagbawas ang Maynilad Water Services Inc. ng kanilang water production.Las Pinas 2

Paliwanag ng Maynilad, kinakailangan nilang ibaba ang produksyon ng tubig para matiyak na ang suplay na nakararating sa kanilang customers ay malinis at nakatutugon sa Philippine National Standards for Drinking Water.

Dahil limitado nga ang water supply, araw-araw na magpapatupad ng water interruption ang Maynilad sa mga barangay sa Las Piñas Muntinlupa, Parañaque at Imus, Cavite simula ngayong araw, August 31 hanggang sa October 30, 2016.

Narito ang mga lugar na maaapektuhan ng water interruption ng Maynilad at ang oras kung kailan lamang sila mayroong suplay ng tubig:

LAS PIÑAS CITY
Oras na may suplay ng tubig: 2:00AM to 6:00AM
-Almanza Uno
-Almanza Dos
-Talon Tres

MUNTINLUPA CITY
Oras na may suplay ng tubig: 2:00AM to 6:00AM
-Alabang
-Ayala Alabang
-Poblacion (NHA, NBP and Promiseland)
-Tunasan (Victoria Homes)

MUNTINLUPA CITY
Oras na may suplay ng tubig: 4:00AM to 2:00PM
-Sucat

MUNTINLUPA CITY:
Oras na may suplay ng tubig: 11:00AM to 10:00PM
-Alabang
-Bayanan
-Poblacion (Country Homes Phase II, Happyville Subd., areas along Katihan St., Sitio San Antonio and Tensuan Site Compound)
-Putatan
-Tunasan (areas along Arandia St., Buendia St., National Road, and Waling-waling St. Extension; JPA Subd., Lodora Subd., Midland Subd. I and II, Lakeshore Homes, Parkhomes Phases I, II and V, Pepsi, Planasville, Sikatville, SM Muntinlupa, Sto Nino Village IV, Susana Heights, Tiosejo Subd., and Villa Carolina I to III)

IMUS, CAVITE
Oras na may suplay ng tubig: 10:00PM to 6:00AM
-Anabu I-D and I-F
-Anabu II-A to II-F
-Malagasang I-D to I-F
-Malagasang II-A to II-E, and II-G

LAS PIÑAS CITY
Oras na may suplay ng tubig: 10:00PM to 6:00AM
-Almanza Uno (BF Executive Triangle and Inner Circle)

PARAÑAQUE CITY
Oras na may suplay ng tubig: 10:00PM to 6:00AM
-BF Homes (BF HEVA, EVS, and Garden Homes)

PARAÑAQUE CITY
Oras na may suplay ng tubig: 9:00PM to 6:00AM
-BF Homes (Goodwill II Subdivision)

PARAÑAQUE CITY
Oras na may suplay ng tubig: 4:00AM to 2:00PM
-BF Homes (BF East Phase VI, BF Phase VI-A, Southbay Garden Homes, and areas along Villongco Road)

Muntinlupa Ayon sa Maynilad hanggang sa katapusan pa ng Oktubre nila inaasahan na aayos ang TDS level mula sa Laguna Lake.

Payo ng Maynilad, mag-ipon na ng sapat na tubig sa mga oras na mayroong suplay sa mga apektadong lugar.

 

TAGS: service interruption of Manila Water, service interruption of Manila Water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.