Sen. Lacson, sinita ang pork barrel sa 2017 nat’l budget

By Kabie Aenlle August 31, 2016 - 06:20 AM

lacson-0512-660x371Kinewestyon ni Sen. Panfilo Lacson ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon, dahil sa aniya’y presensya na naman ng pork barrel dito.

Pinuna ng senador kung bakit pinapayagan ang mga mambabatas na pag-panukala ng mga proyekto sa isang expenditure plan na isusulong at iboboto nila para ma-otorisahan.

Ayon kay Lacson, binabalik lang ng ganitong sistema ang siksik sa katiwalian na pork barrel na naglalaan ng pondo ng bayan sa mga pet projects ng mga mambabatas.

Nangako si Lacson na tatanggalin ang mga panukalang proyekto ng ilang mga mambabatas na inihain nila sa Department of Budget and Management (DBM).

Ito’y matapos payagan ng Malacañang ang mga mambabatas na magsumite ng mga proyektong may kabuuang halaga na P80 million na isasama sa draft P3.35-trillion na National Expenditure Program para sa 2017.

Giit ni Lacson, dapat na itong ibasura at ilaan na lamang sa mga ahensya upang hindi na mapakialaman ng mga mambabatas.

Sa kasagsagan ng budget briefing sa Senado, kinompronta pa ni Lacson si Budget Sec. Benjamin Diokno kaugnay sa nasabing bagong mekanismo ng pamahalaan kung saan pinagpapanukala ang bawat kongresista ng kanilang mga proyekto.

Sa tantya pa ng senador, aabot sa P24 million ang nailaan na para sa mga proyekto ng mga mambabatas.

Hindi pa naman din niya nalalaman kung ilang kongresista na ang nagsumite ng mga panukala, pero naniniwala siyang maraming proyekto ang posibleng itinatago lang sa mga ahensya.

Natutuwa naman si Lacson na walang ni isa sa mga senador ang nagsumite ng kanilang sariling mga panukala.

 

 

TAGS: 2017 national budget, 2017 national budget

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.