Umano’y notorious pusher, patay sa buy bust operation sa Pandacan, Manila

By Rod Lagusad August 31, 2016 - 04:38 AM

 

Larawan mula sa MPD Stn. 10

Patay ang isang notoryus na pusher  sa isinigawang buy bust operation sa Zamora St. Brgy. 843 Pandacan, Manila matapos malaban ito sa mga operatiba ng Station Anti Illegal Drugs o SAID.

Kinilala ang napatay na si Alyas Paolo habang nakatakas naman ang mismong pakay ng naturang operasyon na Joel Caneda o Alyas Douglas.

Ayon kay Police Supt. Emerey C. Abating, Station Commander ng Pandacan Police Station na simula pa ng araw ng Linggo ay binabantayan na nila si Caneda.

Matapos makipagkita si Caneda sa kanilang asset ay nakatunog si Alyas Paolo na pulis ang kanilang mga katransaksyon.

Agad na bumunot ng baril ito at nagpaputok sa mga pulis na nagsasagawa ng operasyon.

Matapos nito nakipaghabulan si Alyas Paolo sa mga otoridad na pumasok sa isang maliit na kwarto na kalaunan ay napatay ng pulisya.

Dagdag ni Abating, parehong nasa drug watchlist ang dalawang suspek.

Narekober sa naturang lugar ang 2000 pesos na buy bust money, isang caliber 38 at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.