13 sugatan sa sunog sa ginagawang gusali sa Abu Dhabi

 

Labintatlo katao ang nasaktan makaraang masunog ang isang  ginagawang 28-na palapag na gusali sa Abu Dhabi, United Arab Emirates nitong Martes. (UAE)

Sampu sa mga nasaktan sa insidente ay mga emergency personnel at civil dfense workers na rumesponde sa sunog.

Tulung-tulong na inapula ng mga ground crew at ng mga fire fighting helicopters ang sunog na nagsimula sa kalagitnaan ng ginagawang gusali sa kapitolyo ng UAE.

Dahil sa sunog, agad na inilikas ang mga construction workers ng gusali at maging ang mga guest at  staff ng katabing luxury hotel.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pinagmulan ng naturang sunog.

Read more...