Mga pulis sa Caticlan iimbestigahan sa Odicta killings

By Ruel Perez August 30, 2016 - 07:53 PM

Odicta
Photo: Ruel Perez

Isasailalim sa imbestigasyon ng Police Regional Office 6 o PRO-6 ang mga pulis na unang rumesponde sa pinagbabaril na mag-asawang Odicta sa pantalan ng Caticlan

Ayon kay PRO-6 Regional Director C/Supt. Jose Gentiles, ang imbestigasyon ay upang mapatunayan na wala sa kanilang hanay ang suspek sa pagpatay kina Melvin Odicta at asawang si Meriam na umanoy mga drug lord sa Iloilo at nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakatakdang kuhanan ng affidavit ang mga pulis habang isasailalim sa ballistic test ang mga service firearms ng mga ito.

Kabilang sa mga narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng Cal. 45, isang magazine at tatlong bala.

Nagpahayag ng pagdududa ang mga abugado ng mga Odicta dahil nung nabaril si Melvin ay nakatawag pa ito sa kanyang abugado kahit na ito ay sugatan.

Nauna nang sinabi ni Atty. Gualberto Cataluña, isa sa mga abogado ng mga Odicta na ipinosas pa ng mga pulis si Melvin bago isinugod sa Malay Municipal Hospital kung saan sila ng kanyang misis ay idneklarang dead on arrival.

 

TAGS: caticlan, odicta, PNP, caticlan, odicta, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.