PNP bumuo ng special team na tututok sa pagpatay sa mag-asawang Odicta

By Chona Yu August 30, 2016 - 03:14 PM

Odicta 2Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng special task force na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng mag-asawang umano’y drug lord na sina Melvin at Meriam Odicta.

Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, inatasan na ni C/Supt. Jose Gentiles, director ng Western Visayas o Police Regional Office 6 ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon.

Ipinaliwanag ng opisyal na mismong si Gentiles ang tututok sa naturang kaso.

Nauna nang nakipagkita kay Interior Sec. Mike Sueno ang mga biktima noong Linggo kung saan ay kanilang itinanggi ang pagkakasangkot nila sa illegal drug trade sa partikular na sa lalawigan ng Iloilo.

Dapat din aniyang dumaan sa due process ang sinumang naakusahan na sangkot sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot.

Una rito, pinagbabaril ng dalawang suspek ang mag- asawang Odicta sa Caticlan Port sa Aklan kahapon ng madaling araw.

TAGS: abella, aklan, gentiles, odicta, PNP, abella, aklan, gentiles, odicta, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.