AFP nilinaw na walang napugutang sundalo sa bakbakan sa Sulu

By Ruel Perez August 30, 2016 - 02:53 PM

AFP operations
Inquirer file photo

Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong sundalo naka-enkwentro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu ang napugutan ng ulo.

Ayon kay AFP Public Information Office Chief Col. Edgard Arevalo, taliwas sa inilabas na ulat wala umanong pinugutan ng ulo sa 15 sundalong napatay.

Samantala, tinawag naman ni AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla na misinformation ang nabanggit na balita.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni Arevalo na dalawa sa dalampu’t limang napatay na ASG ay sub-commander ng grupo.

Isa dito ay si Alias Maa na narekover ang katawan habang hindi na muna pinangalanan ang isa pang sub- commander dahil hindi pa na nakikita ang bangkay nito.

Patuloy ang pagtugis ng military sa mga natitirang miyembro ng Abu Sayyaf sa bulubunduking bahagi ng Sulu.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Arevalo, Sulu, Abu Sayyaf, AFP, Arevalo, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.