Matapos mainis ang mga kliyente, BPI naglinaw sa abiso hinggil sa pag-update ng client information

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2016 - 01:07 PM

BPI advisory
BPI advisory

Nagpalabas ng paglilinaw ang Bank of the Philippine Islands (BPI) sa nauna nilang abiso na nag-aatas sa kanilang mga kliyente na i-update ang kanilang account information bago mag-September 30.

Sa latest na advisory sa Facebook page ng BPI, nilinaw nitong hindi lahat ng kanilang kliyente ay kailangang mag-update para patuloy na maka-access sa automated teller machines (ATMs), online at mobile services.

Ayon sa BPI, ang kinakailangan lamang mag-update ay ang mga kliyente nila na pinadalhan o nakatanggap ng official communication mula sa bangko.

“We wish to clarify that these recent announcements apply only to a limited number of individuals, with whom we have already communicated separately. Should you have any questions, please visit us at the branch where you maintain your account or e-mail us at [email protected],” ayon sa BPI.

Humingi rin ng paumanhin ang BPI sa kanilang mga kliyente na nainis matapos mabasa ang naunang abiso kahapon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naglabas ng paglilinaw ang BPI sa isyu.

Sa unang abiso nito noong August 26, araw ng Biyernes, nakasaad na dapat mag-update ng impormasyon ang kanilang mga kliyente at ang deadline ay August 31.

Umani ito ng batikos sa mga kliyente dahil maliban sa araw ng Biyernes ibinigay ng BPI ang abiso ay nataon pang holiday ang August 29, kaya mayroon lamang August 30 at 31 ang mga kliyente para tumugon.

Kagabi ay naglabas ng paglilinaw ang BPI at sinabing sa halip na August 31 ay September 30 na ang deadline.

Sa iba pang katanungan, payo ng BPI, bumisita sa branch na nakakasakop sa account ng isang kliyente.

Maari ding magtanong via e-mail sa [email protected].

 

TAGS: BPI issues updated advisory, BPI issues updated advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.