Senate hearing sa panukalang emergency powers kay Duterte, sinuspinde muna
Sinuspinde ng Senate committee on public services na pinumumunuan ni Senator Grace Poe ang pagdinig sa panukalang pagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan angproblema sa traffic.
Alas 10:00 sana ngayong araw, Martes, isasagawa muli ang deliberasyon ng komite pero nagpasya si Poe na huwag kanselahin ang pagdinig.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Poe na nagmamadali ang Executive branch na maipasa ang emergency powers bill pero sa naunang pagdinig ng komite ay walang nailatag na konkretong proyekto ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagtugon sa problema sa trapiko.
Ayon kay Poe, magsasagawa na lamang muna ng consultative technical working group meetings ang komite para makabuo ng plano at solusyon na tutugon sa problema sa traffic at transportasyon sa bansa.
Noong August 25 hearing, hiniling ng mga opisyal mula sa DOTr na bigyan sila ng dalawang linggo para maghanda ng listahan ng mga panukalang proyekto na reresolbra sa krisis sa traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.