Hindi hati ang INC-Zabala

July 24, 2015 - 09:51 AM

Tenny and Angel
photo grab from Youtube

Planado at ‘well-orchestrated’ ang mga alegasyon na ibinabato sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ito ang buwelta ni INC Spokesperson Edwil Zabala kay Felix Nathaniel Manalo o Ka Angel.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, binigyang diin ni Zabala na halatang pinlano ang sabay-sabay at magkakasunod na paglalabas sa publiko ng sinasabing katiwalian sa INC. “Well-orchestrated po itong ginawang sabay-sabay na paglalabas sa publiko ng sinasabi nilang katiwalian sa INC. Isa-isa po nilang inilalabas ang sinasabi nilang mga katiwalian, pero isa-isa din namang nagiging malinaw ang kasinungalingan sa kanilang mga inilalabas,” ayon kay Zabala

Kabilang aniya dito ang lumabas na video sa Youtube ng mag-inang Tenny at Angel Manalo na kapwa nagsasabing nasa panganib ang kanilang buhay, at may mga nawawalang ministro, na sinundan ng pagharap sa media ng itiniwalag na ministro na si Isaias Samson Jr.

Sinabi ni Zabala na hindi dahil sa may itiniwalag ay nangangahulugang may pagkakahati-hati na sa Iglesia ni Cristo.

Hindi rin aniya ‘in crisis’ ang Iglesia ni Cristo dahil hindi apektado ng pagyayari ang pananampalataya at paglilingkod ng mga kaanib nito.“Hindi po porke’t merong itiniwalag ay nangangahulugang divided na ang Iglesia ni Cristo, hindi rin po in crisis ang Iglesia ni Cristo, hindi po naapektuhan ang pananampalataya at paglilingkod ng mga kaanib,” dagdag pa ni Zabala.

Dagdag pa ni Zabala ang mga bintang naman na katiwalian sa pamunuan ng INC ay hindi nasusuportahan ng detalye at ebidensya.

Ayon kay Zabala, ilan lamang sa kasinungalingan ni Ka Angel ay ang pagpapaniwala nito sa media na sila ay hostage sa loob ng compound ng pamilya Manalo at na sila ay pinapahirapan doon.

Sa pagtiwalag naman sa mag-iinang Manalo, sinabi ni Zabala na pinatutunayan lang ng pamunuan ng INC na pantay-pantay dapat ang trato sa kaanib, kung ang isang kaanib ay hindi sumusunod at tumutupad sa turo at hindi nagpapasakop ay kailangang itiwalag.

At dahil tiwalag na si Ka Angel at mga kasama nito sa bahay, sinabi ni Zabala na marapat lamang na kusa ng umalis ng pabahay ng INC ang nakababatang kapatid ng kanilang Executive Minister na si Eduardo Manalo./Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Accusations of corruption well-orchestrated, Radyo Inquirer, Accusations of corruption well-orchestrated, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.