US President Barack Obama makikipagkita kay Pangulong Duterte sa state visit sa Laos

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2016 - 07:35 AM

obama duterteMay tsansa na magkausap sina Pangulong Rodrigo Duterte at si US President Barack Obama sa pagdalo nila sa summit of leaders ng Pacific Rim nations na gananapin sa Laos sa September 6.

Kinumpirma ng White House na kasama sa sidelines ng pagbisita sa Laos ni Obama ang pakikipagkita nito kay Duterte.

Ayon kay White House Deputy National Security Adviser Ben Rhodes, kabilang sa mga maaring matalakay ng dalawang lider ang security issues partikular sa usapin sa South China Sea.

Tinanong din si Rhodes ng media kung kasama ba sa uungkatin ni Obama kay Duterte ang mga kontrobersyal na pahayag nito tungkol sa mga babae, mamamahayag at iba pa.

Ang tugon ni Rhodes, inaasahan nila mababanggit ni Obama kay Duterte ang tungkol sa mga kontrobersiyal na statements nito.

Pero ani Rhodes, mas mahalagang usapin pa rin ang security issues.

 

TAGS: Obama to meet Duterte on Laos summit, Obama to meet Duterte on Laos summit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.