Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyong Goring sa layong 1, 235 kilometers hilagang silangan ng Basco Batanes at halos pa-Taiwan na.
Nasa loob pa rin ito ng Philippine Area of Responsibility pero malapit na sa boundary ng bansa.
Sinabi ni PAGASA forecaster Gener Quitlong na walang epekto sa bansa ang bagyo dahil sa malayong lokasyon nito.Pero may Low Pressure Area (LPA) na binabantayan sa 130 kilometers East ng Tuguegarao City.
Ang LPA ay maghahatid ng pag-ulan sa sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Apayao, Ilocos Norte, Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands. Ayon kay Quitlng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa nasabing mga lalawigan.
Hindi naman inaasahan ng PAGASA na lalakas pa ang LPA at maari itong lumabas ng PAR sa susunod na dalawang araw./ Dona Dominguez-Cargullo