12 sundalo patay sa pakikipagbakbakan sa ASG sa Sulu

By Kabie Aenlle August 30, 2016 - 04:31 AM

 

PatikulLabindalawang tropa ng pamahalaan ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu na naganap Lunes ng hapon.

Ayon kay Maj. Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, pawang mga kabilang sa 35th Infantry Battalion ang mga nasawing sundalo na naka-engkwentro ng 7 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Kan Jalul sa Brgy. Maligay.

Pinamumunuan aniya ni Radulan Sahiron ang mga bandido.

Samantala, mayroon ding limang sundalong nasugatan sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.