Gun-for-hire patay sa engkwentro, pusher arestado sa QC

By Kabie Aenlle August 30, 2016 - 04:21 AM

 

crime-scene-e1400865926320Isang hinihinalang gun-for-hire ang napatay sa isang engkwentro, habang isang hinihinalang drug pusher naman ang naaresto sa Quezon City, Lunes ng hapon.

Hindi pa nakikilala ang nasawi sa operasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6 sa Fort Magsaysay sa kahabaan ng Luzon Avenue sa Brgy. Holy Spirit.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyong may mga armadong kalalakihan na pinamumunuan ng isang alyas “Amir” na namataan sa nasabing lugar.

Agad pinuntahan ng mga operatiba ang lugar kung saan sinalubong sila ng pagpapaulan ng bala ng mga suspek.

Narekober sa suspek ang isang .38 at isang .45 na baril, pati na ang walong sachet ng shabu.

Naaresto naman ang isang suspek na si Eugene Guico pagkatapos ng operasyon, at narekober sa kaniya ang tatlong sachet ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.