Kinumpirma ni Depratment of Interior and Local Government Sec. Mike Sueno na matagal nang nakata-tanggap ng banta sa kanilang buhay ang napaslang na mag-asawang Melvin at Meriam Odicta.
Sinabi ni Sueno na nasabi sa kanya ng mag-asawa ang tungkol sa mga death threats nang maka-usap niya ang mag ito sa Camp Crame.
Matatandaan na nagtungo sa Camp Crame ang mag-asawa noong isang linggo at nakipag-usap kay Sueno hinggil sa umano ay pagkakasangkot nila sa ilegal na droga.
Sa nasabing pag-uusap ay sinabi ng mag-asawa na handa silang sumailalim sa imbestigasyon para patunayan na wala silang kinalaman sa illegal drugs.
Kaugnay nito, ipapaubaya na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa PNP ang imbestigasyon sa ginawang pamamaslang sa mag-asawang Odicta kaninang madaling araw
Sa kabila nito, iginiit ni Sueno na lahat ng anggulo ay posible tingnan ng PNP bagama’t marami umanong natanggap na report ang kalihim na maraming galit sa mag-asawa na mga kababayan nila sa Iloilo dahil umano sa pagtanggi ng mga ito sa pagkakasangkot sa droga
Napatay ng umanoy dalawang gunmen ang mag-asawang Melvin at Meriam matapos bumaba mula sa sinakyang barko sa pantalan ng Caticlan kaninang pasado ala-una ng madaling araw.