Belgium magtatayo ng mga negosyo sa Pilipinas

Dureza-Pamintuan
Photo: Erwin Aguilon

Nakatakdang bumisista sa bansa ang mga investor mula sa Belgium. Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, nagpahiwatig ang gobyerno ng Belgium na magtungo sa Pilipinas dala ang mga ang high level team ng mga mamumuhunan para makipag-ugnayan sa Pilipinas.

Sinabi ni Dureza na nakipag-ugnayan sa kanya ang Belgian Foreign Minsitry at ibinalita ang intensyon ni Princess Astrid ng Belgium na siyang nakababatang kapatid ni King Philippe na makabisita sa bansa.

Nakausap anya niya ang mga opisyal ng Belgium nang magtungo ito Brussels para bisitahin ang tanggapan ng Eurpoean Union.

Nakausap din anya ng kalihim ang mga kinatawan ng EU at ipinaabot ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanilang pagsuporta para sa Bangsamoro at kaisa sa negosasyon sa usapang pangkapayapaan sa mga ito.

Nabanggit din ayon kay Dureza ang interes ng mga EU representatives sa nangyayaring kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Dureza na naipaliwanag niya sa EU ang isyu ng human rights na pinupuna ng mga international community at ipinaunawa ang katotohanan hinggil dito.

Read more...