DILG inatasan na mamahala sa pondo ng mga napatay at retiradong pulis

By Chona Yu August 29, 2016 - 03:23 PM

Mike Sueno
Inquirer file photo

Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Sec. Mike Sueno na pangasiwaan ang pamamahagi sa P4.7 Billion na benepisyo para sa mga biyuda ng mga pulis at mga retirees ng Philippine National Police (PNP)

Sa pahayag ng pangulo sa pagbisita sa lamay ni PO1 Gary Cabaguing sa Catbalogan Samar, sinabi nito na ang DILG kasi ang nakaaalam sa grassroots lalot may control ito sa mga Local Government Units.

Sinabi pa ng pangulo na hindi na ang mga beterano ang kailangan na mag-follow up kundi ang DILG na ang dapat na makipag ugnayan sa kanila para wala nang gastos sa pamasahe para sa pabalik balik na pag-follow up.

Una rito, sinabi ng pangulo na ilalabas na ang naturang pondo sa lalong madaling panahon matapos ipitin ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na magbibigay siya ng P250,000 mula sa Office of the President para sa mga pulis at sundalo na nasasawi habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

TAGS: duterte, PNP, retirees, sueno, duterte, PNP, retirees, sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.