De Lima pinayuhan ni Duterte na “magbigti”

duterte-de-limaIto ang naging payo ni pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Leila de Lima matapos idawit ang mambabatas sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa pahayag ng pangulo sa pagbisita sa sugatang pulis na si PO1 Nestor Villanueva sa St. Paul Hospital sa Tacloban City Leyte, kung hindi man magbigti ay dapat na magresign na lamang si de Lima bilang Senador ng Pilipinas.

Tanong ni Duterte kay de Lima, ano pang mukha ang ipakikita nito sa mga kapwa babae at kung dapat pa ba itong tularan?

Ayon kay Duterte, wala na kasing mukhang ihaharap si de Lima, lalo’t ginagawa nang serye hindi lang ang kanyang buhay kundi ang mismong ang pagkababae nito.

Una rito, ibinunyag ng pangulo na nakarelasyon ni de Lima ang kanyang dating driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Bukod kay Dayan, nakarelasyon naman umano ng senador ang isang “Hagad” ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na si Warren Cristobal.

Bukod sa dalawang nakarelasyon, sinabi ng pangulo na mayroon din umanong sex video ang Senadora.

Noong isang linggo ay umapela si de Lima sa pangulo na huwag siyang personalin at magsampa na lamang ng kaso laban sa kanya base sa mga nakalap na ebidensiya

Read more...