Yellow warning level, nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2016 - 01:26 PM

Yellow Rainfall WarningNabawasan na ang naranasang malakas na buhos ng ulan sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan sa nakalipas na tatlong oras.

Mula sa orange warning level ay ibinaba na ng PAGASA sa yellow ang umiiral na rainfall warning sa dalawang lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA ala 1:00 ng hapon, nagbabadya pa rin ang pagbaha sa mga mabababang lugar sa Bataan at Zambales.

Samantala, light to moderate na mayroong occasional heavy rains ang nakaaapekto naman sa Pampanga na maaring tumagal sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Habang sa susunod na tatlong oras, ay maaapektuhan naman ng light to moderate rains ang Metro Manila, Tarlac, Bulacan, Cavite, Rizal at Quezon.

Alas 4:00 ng hapon mamaya muling maglalabas ng abiso ang PAGASA.

 

 

 

TAGS: yellow rainfall warning, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.