Drug test, isasagawa sa mga bilangguan sa buong bansa

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Isasailalim na rin sa drug test ang mga bilanggo sa buong bansa.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) plantsado na ang planong pagsasailalim sa drug test sa mga preso sa mga bilangguan na sakop ng BJMP.

Sinabi ni BJMP Dir. Serafin Barreto Jr., ito ang isa sa nakikita nilang programa para masawata o kung hindi man ay mabawasan ang paglaganap ng droga sa mga bilangguan.

Hindi aniya maitatanggi ang katotohanan na may bentahan pa rin ng droga sa loob ng mga kulungan.

Paliwanag ni Barreto, kapag mayrong nagpositibo sa paggamit ng droga, masisibak sa pwesto ang nakatalagang jail warden.

Sa datos ng BJMP, mahigit 70 percent ng 115,000 na mga nakakulong ngayon sa mga pasilidad ng BJMP ay may kinalaman sa ilegal na droga.

 

 

 

Read more...