Alok ni Duterte: P2M patong sa ulo ng mga pulis na protektor ng droga

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon August 29, 2016 - 11:21 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyong na patong sa ulo ng mga pulis na sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani, bilang paggunita sa National Heroes Day, muling iginiit ni Pangulong Duterte na magiging madugo ang laban niya kontra illegal drugs.

Sinabi ni Duterte na magpapatong siya sa ulo ng P2 milyon kada police ninja o yung mga pulis na protektor, o nagre-recycle ng droga.

Muli ding nangako ang pangulo sa mga pulis at military na hinding-hindi niya pabababayaan ang mga ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ayon sa pangulo, handa siyang makulong kasama ang mga pulis na masasampahan ng kaso dahil sa pagganap nila ng trabaho sa pagsugpo sa illegal drugs.

 

 

TAGS: bounty for police ninja, bounty for police ninja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.