Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa mga lalawigan sa Central Luzon

pagasa yellow & orange rainfall warningNananatiling nakataas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Central Luzon dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng umiiral na Habagat.

Sa abiso ng PAGASA alas 10:00 ng umaga, orange warning level pa rin ang nakataas sa Zambales at Bataan.

Ayon sa PAGASA, nagbabadya ang pagbaha sa mga mabababang lugar sa dalawang lalawigan.

Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga.

Sa Metro Manila, Bulacan, Rizal at Quezon thunderstorm naman ang naka-aaapekto at nakapaghahatid ng pag-ulan.

Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsa ay may malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Nueva Ecija.

Mamamayang ala 1:00 ng hapon ay nakatakdang magpalabas ng susunod na abiso ang PAGASA.

 

 

 

Read more...