2 kilo ng cocaine, nasabat sa isang Chinese-American galing Dubai

Inquirer File Photo
Inquirer File Photo

Nakuhanan ng dalawang kilong cocaine ang isang dayuhang pasahero nang dumating ito sa Clark International Airport mula sa Dubai.

Kinilala ang suspek na si Soo Hoo, 68 anyos, at residente ng New York City.

Nakuha ng mga tauhan ng Clark Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang dalawang kilo ng hinihinalang cocaine na nakatago sa compartment ng check-in luggage ni Soo Hoo.

Dumating ang dayuhan sa Clark galing Dubai, sakay ng Emirates flight EK388.

Nasa kostodiya na ngayon ng mga otoridad ang dayuhang suspek.

 

 

Read more...