Mag-asawang negosyante na itinuturong drug lord sa Iloilo, patay sa pananambang
Patay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang mag-asawang negosyante na sina Melvin at Miriam Odicta na itinuturong mga drug lord sa probinsya ng Iloilo.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Aklan Police Provincial Director police Sr. Supt. John Jamili pinagbabaril ang mag-asawang Odicta matapos bumaba mula sa sinakyang RoRo sa pantalan ng Caticlan kaninang ala 1:30 ng madaling araw.
Naisugod pa ng mga tauhan ng PNP ang magasawa sa Municipal District Hospital Sa Malay, Aklan pero idineklara ang mga itong dead on arrival.
Matatandaan na nagtungo ang mag-asawang Odicta sa Camp Crame noong Huwebes at nakipag-usap kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueño upang linisin umano ang kanilang pangalan.
Itinanggi ng mag-asawa na sila ay kunektado sa operasyon ng ilegal na dorga sa Iloilo.
Itinanggi ng mag asawa ang koneksyon nila sa operasyon ng iligal na droga sa Iloilo na hindi naman pinaniniwlaan ni PNP Chief Ronald Bato dela Rosa.
Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag sa media ang abogado ng mag-asawa na si Atty. Raymund Fortun.
Ayon kay Fortun, mabait ang mag-asawa kasabay ng apela sa media na tutukan ang kaso ng pagpatay sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.