Dalawa sugatan sa aksidente sa Quezon City

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Sugatan ang dalawang sakay ng isang kulay puti na Toyota Innova matapos itong sumampa sa center island ng northbound lane ng Quezon Avenue sa Quezon City.

Binabagtas ng sasakyan na may conduction number VC 0185 ang kahabaan ng Quezon Avenue malapit na sa EDSA intersection nang sumapa ito sa center island, bumangga sa puno at bumangga pa sa poste ng ilaw.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sugatan at walang malay ang dalawa sa limang sakay ng Toyota Innova nang kanilang mailabas ng sasakyan.

Isinugod na sila sa Capitol Medical Center.

Habang ang driver naman ng sasakyan ay mabilis umanong tumakas, matapos ang aksidente.

 


 

 

 

Read more...