Zambales, Bataan, Metro Manila at iba pang lalawigan, magdamag na inulan

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2016 - 06:38 AM

Magdamag na nakaranas ng malakas na pag-ulan ang lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa epekto ng Habagat.

Nagtaas pa ng orange warning level ang PAGASA sa dalawang lalawigan, Lunes ng madaling araw dahil sa naranasang tuloy-tuloy na pag-ulan.

Ala una ng madaling araw nang itaas naman ng PAGASA ang yellow warning level sa Metro Manila partikular sa Caloocan, Malabobn, Navotas, Valenzuela, Quezon City at Maynila, at ang mga lalawigan ng Tarlac, Bulacan at Pampanga.

Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang western section ng Luzon.

Partikular na uulanin ngayong araw ang rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Central Luzon.

Makararanas naman ng maulap na papawirin na mayroong mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at ang Visayas.

 

 

TAGS: august 29 weather, august 29 weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.