Nanawagan si Senador Loren Legarda sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa pagkain ng mga preso sa araw-araw.
Sa budget briefing ng Senado kasama ang mga opisyal ng Department of Justice, binuksan ni Legarda ang opsyon na gawing P75 ang arawang budget ng bawat isang bilanggo.
Sa kasalukuyan, nasa P50 ang food budget sa bawat preso araw-araw.
Suportado naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang panukala dahil sa mistula umanong pagkain sa hayop ang kinakain ng mga bilanggo dahil sa napakababang pondo.
Sa kasalukuyan, nasa 44,790 mga preso sa buong bansa ang nasa kustodiya ng Bureau Of Corrections na nasa ilalim ng DOJ.
Araw-araw, nasa P2.239 milyon ang nakalaang pondo para sa pagkain ng mga bilanggo na nasa ilalim ng BuCor.