Task Force on Media Killings, sasamahan ng isang mamamahayag
Tiniyak ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na sa isang mamamahayag iaalok ang co-chairmanship sa Task Force on Media Killings.
Ito aniya ay para maging mas mabisa ang nasabing task force sa layunin nitong harapin ang mga isyu kaugnay sa mga karahasan laban sa mga miyembro ng media sa Pilipinas.
Ayon pa kay Andanar, nakipag-ugnayan na rin ang kaniyang opisina sa National Press Club (NPC), National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) at iba pang mga organisasyon kaugnay sa layunin ng naturang task force.
Nakikipagtulungan na rin aniya sila sa Department of Justice (DOJ) para sa mga legal na pangangailangan.
Naniniwala kasi si Andanar na kapag mayroong taga-media sa loob ng task force, mas magiging mabisa ang pagganap nito sa tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.