Mag-asawang balikbayan patay, 8 pa sugatan  sa Cebu vehicular accident

By Kabie Aenlle August 29, 2016 - 04:23 AM

 

Mula sa Google Maps

Kababalik lang sa Pilipinas ng mag-asawang sina Keith at Nyjile Rosel ngunit naharap agad sila sa malagim na kapalaran sa kalsada.

Nasawi ang mag-asawang balikbayan matapos bumangga ang sinasakyan nilang pick-up truck sa side railing ng national highway sa Brgy. Ocaña sa Carcar City, Cebu.

Dahil rin dito, bumangga pa ang kanilang sasakyan sa isang puno bago ito tumaob.

Sugatan naman sa aksidente ang walo nilang kaanak na lulan rin ng sasakyan.

Galing sa isang reunion ang mag-asawa kasama ang kanilang mga kaanak sa Cebu City at pauwi na sana sa bayan ng Sibonga.

Wala namang ibang napansin ang mga testigo na sasakyang posibleng nagsanhi o nadamay rin sa aksidente.

Hinala ng mga otoridad, naka-idlip si Keith habang nagmamaneho kaya hindi na nito namalayan na maaaksidente na sila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.