Imbestigasyon ng Kamara, tinawag na ‘Duterte kangaroo court’

By Kabie Aenlle August 29, 2016 - 04:36 AM

 

Inquirer file photo

Muling nanindigan si Sen. Leila de Lima na hindi siya pupunta sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Tinawag pa ni De Lima na “Duterte’s kangaroo court” ang nasabing gaganaping imbestigasyon ng mga mambabatas.

Ayon sa senadora, hindi maituturing na demokrasya ang gagawin ng Kamara na naglalayong siya ay litisin sa harap ng mga pekeng testigo.

Mistula aniya itong paglilitis na ginagawa noong mga sinaunang panahon pa.

Giit pa ni De Lima, walang lehitimong dahilan o bona fide agenda ang nasabing House inquiry, bagkus ay gagamitin lang ito upang sirain siya.

Samantala, binatikos naman niya ang banat ni House Speaker Pantaleon Alvarez, nang sabihin nitong hindi dapat basta-bastang itinatanggi ng senadora ang mga alegasyon laban sa kaniya dahil hindi ganoon ang pag-iral ng demokrasya.

Bwelta ni De Lima, sa abot ng kaniyang kaalaman ay hindi naman siya nililitis at walang reklamong nakahain laban sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.