Pangasinan board member na napabilang sa Duterte drug matrix, umalma

By Kabie Aenlle August 29, 2016 - 04:34 AM

 

drug matrixNagsalita na ang isang lokal na opisyal sa Pangasinan matapos lumabas ang pangalan niya sa inilabas na drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay board member Raul Sison na isang residente ng bayan ng Urbiztondo, nasa Estados Unidos siya nang ilahad ni Duterte ang nasabing drug matrix o ang tinatawag niyang “Muntinlupa Connection,” dahil dumalo siya sa kasal ng isang kaanak.

Mariing itinanggi ni Sison sa Inquirer ang nasabing paratang, at iginiit na malinis ang kaniyang konsensya dahil pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na magkaroon ng takot sa Diyos.

Itinanggi rin ni Sison ang mga ulat ang pagtukoy kay Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. bilang pinakamayamang pulitiko sa Northern Luzon.

Aniya, mataas ang respeto niya kay Espino bilang isang mabuting gobernador, at maaring ginagamit lang ang isyung ito para sirain ang kanilang samahan.

Bukod kay Espino, naroon din si Pangasinan administrator Rafael Baraan sa matrix ni Pangulong Duterte at pareho nilang itinanggi ang mga alegasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.